Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 19, 2009

Pangaral Ni Secretary Carlos P. Romulo

Kaninang tanghali, naghalukay ako ng mga nakatago kong gamit sa opisina at
nakita ko ang isang larawang kupas(hehe…parang ito ‘yong awitin ni Renz Verano
ba ‘yun?) Kuha ito sa bakuran ni yumaong Carlos Pena Romulo, ang ating
natatanging Embahador sa buong mundo. Tangke ng tubig ang nasa litrato.
Tandang-tanda ko ang tangkeng yaon sa Forbes Parks sa Makati kung saan
nakatirik ang bahay ni Romulo.

Isa akong Acting Foreman ng mga welder sa Physical Plant Office sa UP-Diliman,
taong 1970’s, lahat ng sasakyan ng mga VIP ng UP ay sa akin nagdadaan pag may
mga sira, butas ang tambutso, nabangga, nabulok, at lahat ng custom jobs ng mga
buildings at iba pang pagawain ng UP-Diliman. Si Salvador P. Lopez ang pangulo
ng UP noon na ang pinalitan ay si Amb. Romulo.

Isang tawag ang tinanggap ng aming General Foreman na si G. Antonio Evangelista
(SLN) mula kay Bb. Mariless Romulo, anak ni Ambasador Romulo at naireport na
sira at may butas ang kanilang pressure tank. Isang kalatas ang tinaggap ko
kinahapunan na naglalahad na sa lalong madaling panahon ay dapat magawa ang
naturang tangke.

Kinabukasan ay handang handa na ang aming gamit, isang electric welding
apparatus, isang oxygen-acetylene welding set, mga kailangang welding rods,
hagdanan, lubid at iba pang gamit. Apat kami sa Ford na kulay dilaw na pick-up,
sina Gen. Tony Evangelista, Boy Taqueban (SLN) Melvin L. Alnas (SLN) pamangkin
ito ni SPLopez at si Constancio Calceta na hanggang ngayon ay nasa UP-Diliman
pa ring tulad ko.

Dumating kami sa bakurang napakaganda at sinalubong kami ni Bb. Mariless upang
igabay kami sa sirang tangke. May dalang kamera si mang Tony Evangelista at
kinuhaan niya ng litrato ang tangke. Mahirap weldingin ang may pressure na
tangke dahil sa may pressure nga kaya ang ginawa namin ay inalis muna ang laman
at pinatuyo. Nang abutin kami ng meryenda ay pina-akyat kami sa kusina ng
katulong at kami ay pinakain ng pansit, tinapay at juice, nakita naming lumabas
sa amin si Amb. Romulo na may kasamang isang batang babaeng mga anim na taong
gulang na may dalang niluglog na duhat sa isang lalagyan, mabait ang bata at
isa-isa kaming inalok ng dala niyang duhat. Nakangiti kaming nagpasalamat
ngunit hindi kami kumuha ng duhat. Nakatingin lamang si Amb. Romulo sa amin.

Nang bumaba kami para muling ituloy ang paghinang sa tangke ay nakita kong
lumabas papunta sa kinalalagyan namin si Amb. Romulo at nagtatakip ng isang
kamay sa mata sanhi ng kislap o spark ng welding para takpan ang kaniyang mata.
Nang alam na niyang tapos na kami ay ako ang kaniyang tinawag sa aking pangalan,
nagtaka ako kung bakit niya ako kilala at tinawag. Lumapit ako at nagtanong:
Sir, bakit po? “Alam mo Raul, nakita kong hindi ka kumuha ng duhat sa apo ko
kangina nang alukin ka niya.” Nahiya po kasi ako sa inyo Sir. “ Hindi maganda
ang tinatanggihan ang alok ng isang bata lalo na at pagkain, tinuturuan mo ang
bata na maging maramot. Sa uulit, kukunin mo ang bawat alok ng isang bata sa
iyo ha?” Nahihiyang maraming tango ang naitugon ko sa kaniya.

Nang kami’y nasa pick-up na para umuwi, naghunta rin ang mga kasama ko na
kinausap din daw sila ni Amb. Romulo dahil hindi sila kumuha nang inialok ng
apo niyang duhat sa amin. Marso 19, 2009 UP-Diliman

hasEML = false;


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: