Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 18, 2009

Minsang Binaril Ko Ang Araw

Minsan ko ring binaril
Ng aking hintuturo
Ang nagbabagang araw
Habang pinababara ko
Ang mga tuyong tuod
Na aming ikabubuhay
At nilalangoy
Ang lawak ng tubigan
Ng sidhing kahirapan.

Marami akong balang inubos sa kaniya

Maghapon,

Ngunit higit itong matapang;
Alam kong may tama siyang malubha
Nang humimpil siya
At nahiga sa kanluran.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: