Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 18, 2009

Matyag Tayo Ng Buwan

Sinlamig ng freezer ang ginaw na sagi

Nang kita’y yakapin sa Palmerang silid,

Nagwalang-kibo ka’t kinagat ng labi

Ang lungtiang punda ng unan mong kapit.

Bigla kang bumango’t dungawa’y sinilip,

At dagling binuhay ang patay na aircon;

May ngiti sa labing ikaw ay bumalik

Upang katawan ko’y yakap ibinango’t

Siniil-sibasib matamis na halik.

Di natin napansing merong nakasilip

Na ginintong mata sa labing naglapat,

Ay, wala ding malay ang gabing naidlip;

Hanggang sa ang lamig pumalit ang alab.

Nang tayo’y matapos sa ating suyua’y

Sabay na sinilip ang may ngiting buwan.

Sa malamig na silid sa Palmera Homes


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: