Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 18, 2009

Galumbang* (Tulang Gansal)

Tahimik sa kalmanteng tubig,

Agos ang kapiling, katalik;

Tinatanaw ang abong langit,

Ang buwan ay pasilip-silip

At ang hangin sa himpapawid—

Sumimoy at ako’y ginalit.

Amiha’y bumaba ng bundok,

Ninasang maglayag sa laot;

Gustong gisingi’t mabulabog

Ako’t maghasik nitong takot.

Lumiyad pataas, gumulong!

O, akong mataas na alo’y

Nagwawala sa dapithapon.

Marso 19, 2009

*Mataas na alon sa dagat


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: