Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 17, 2009

Ulay

Kung ang bawat sugba’y hindi ningas-kugon,

At sugbang di sana umurung-sumulong.

Nawa, kahit tayo’y mahiga’t magbango’y

Walang huhusgahang laksang patay-gutom.

Sana, kumulo na ang sabaw-sinaing

Sa dapugang gutom ng bigas-dalangin,

Anumang nilutong sanduki’t ihain;

Sa dila ay hindi papait-aasim.

Nauuhaw kita’y nasa balong-tubig,

Nagugutom tayo’y may banga’t kamalig;

Sabi’y mararangya’t di kakaning-itik—

Tago man ang yungib may lihim na awit.

Marso 17, 2009

Bgy. Putatan, Muntinglupa City

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: