Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 12, 2009

Dalit sa Alon

Walang kibong nakalatag

Pagkakahimlay sa dagat,

Kung minsan ay tumitiyad

Pag ginising ng habagat.

Gumugulong, nagtatawa

Pag amiha’y pumitada,

May markulyo ang sigwada

At kung minsa’y kumakalma.

Kung minsa’y napipikon

At pagapang umuungol,

Ligalig na gumugulong;

Sa aplaya nagsusumbong.

Kung minsan ay umaakyat

Sa nauuhaw na ulap.

Marso 12, 2009

Bgy. Ginoong Sanay, Pulo ng Talim, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: