Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 10, 2009

Kawal ng Takipsilim

Pag-aagawan ng liwanag at dilim

Na nagbabadya ng dapithapo’y

Gumagayak ang aking pagtatanod.

Sa atang na tungkuli’y mabubuhay ako’t mamamatay.

Wala akong hiling na handog, papuri o papugay,

Hindi ako tutugot hanggang sa paghimlay.

Ako ang tagapagmatyag sa kaligiran,

Ang lagablab laban sa kaligkig;

Ako ang tibanlos na kumakandong sa bukang-liwayway–

Ako ang balaraw ng takipsilim.

Ako ang kalasag na nagbabantay

At gumigising sa alimpungat ng tulog,

Ako ang tambuli

Sa kapakanan ng lahat.

Sa gabing ito at mga gabi pang daratal,

Ang dangal ko at buhay

Ay lipos kong ini-aalay.

Sa Talulot ng Apoy at Sigid ng Lamig

Palmera Homes, QC


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: