Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 8, 2009

Sa May Balitangan (Sa Tabon Mainit at Tabon Malamig)

Ang munting alamat ng mahal kong nayo’y

Nagbuhat sa isang sinaunang ibong

Gustong kinakai’y masangsang ang amoy.

Nayong kinalak’ha’y maraming kawayan,

Ang lungki’t paligid puno ng halaman;

Yaman nitong laot isdang nagsalisaw,

O, ang nayong Tabon lipos kagandahang

Napapakalatak ang dagsang dumalaw—

Gamundong paghanga ang nangingibabaw.

Talino ng bata’y likas at matuwid,

Ang dalagaha’y tapat kung umibig;

Binata’y masipag mabikas tumindig.

O, mahal kong Tabong Malamig, Mainit:

Nawa’y di ka datnan ng libong ligalig.

Marso 8, 2009

Sa ibabaw ng isang batong korteng pagong

Sa gitna ng Balitangan Boulevard.

Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna

Bgy. Tabon, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: