Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 8, 2009

Pagtatapos(Di pa Tapos ang Laban)

Anak,pagbaba mo sa entablado;
Hahawakan namin nang mahigpit
Ang iyong asam na diploma.

Ihahaplos ko ito sa nagdildil
Na buntunghininga at ilalapat
Sa dibdib ng libong pagpapakasakit.

Ilalagay namin ito sa andas
Ng paniningalang pugad,
Iwawagayway sa lansakang pag-asa—
Taas noong ipagpaparangya
Sa buong paligid na ating daraanan.

Pag-uwi mo anak,
Pagpapasensiyahan mo sana
Ang aming nakayang ihanda
Sa ating munting dulang;
Sana’y magustuhan mo ang nakayahan
Naming handog na asin at nilugaw.

Marso 8, 2009
Sa hagdan ng Mataas na Paaralang Hikahos


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: