Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 5, 2009

Malilimot Mo Ba Ang Lawa

Ito ang tangaring inuming matining

Sa lungking gatuhod dahika’t pampangin,

Ito ang idlipan ng mayuming hangi’t

Ang bohemyong alon tanging manggigising.

Ito ang tasakan ng pisigang tulos,

Himpila’t bimbina’ng agos na malikot;

Bulang kalabukab dito natutulog

At ang banlik-putik ang kumot-pambalot.

Ito’y hinihiwa ng katad na bangka

At lutad na simoy na rumaragasa,

Ito ang igpawan ng matabang isda;

Timbula’t sisiran malikot na bata.

Salikwaang dagim laging nagugulat,

Kapag umiinom ang uhaw na ulap.

Marso 6, 2009

Sa tabi ng sanaw at baradong kanal

Employees Village B

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: