Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 27, 2009

Diwatang Tambongon

Ang puso ko’y nasa iyo kayakap ang mga alon,

Kagandahan ng baybayi’y may halakhak na malutong;

Ikaw lang ang mamahalin, O, malambing na Tambongon

Na laging may balintataw ang hiwaga nitong Mayon.

Galak nitong aking mata’y nawawala ang linggatong.

Tumitiyad yaong bangkang sumisibad na mabilis,

Ang layunin ay marating ang biyayang ninanais;

Mga isdang matatabang naglalaro sa ‘yong tubig,

Batong ubod ng lalapad naghilera sa ‘yong batis,

O, kaysarap na langhapin ng ‘yong hanging malalamig.

Nais kong sa pagbabalik ay muli kang makaniig,

Gagawin ko’y magduduyan sa bisig at iyong dibdib;

O, minahal kong Tambongon itimo mo sa ‘yong isip

Na ikaw lang… walang ibang sa puso ko ay kapalit.

(Ang tulang ito ay ipinagawa sa akin ng mga batang sina Jay Vargas at Jessa Barcelona na parehong nasa ikalawang baitang sa Tambongon Elementary School sa isang kuwengka ng Bacacay, Albay.)

Pebrero 26, 2009

Bgy. Tambongon, Bacacay, Albay


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: