Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 19, 2009

Nang Umakbay Sa Balikat Ang Isang Kalungkutan

U-maalis ang lipos kong pagmamahal.
M-arahil, ang ayaw ko ang tinatanganan
A-t ang gusto ko ang iyong binibitiwan,
K-aya umaakbay ang isang kalungkutan.
B-akit paulit-ulit at lagi na lang sinasadya
A-ng butil ng hasik ko at punlang salita?
Y-ayamang wala na akong magagawa,
A-ko’y magkikibit-balikat ng handang luha.
N-ais kong lang bago yumao ang pag-ibig,
G-unitai’t muniin ang nilasap nating langit;
L-ipos ring balikang higit ang parurunggit—
U-pang matimbang ang sakit ko’t pag-umid.
N-alalaman kong balumbon ang sakripisyong
G-inawa mo sa akin. Ibinigay na buo ang mundo,
K-inalimutan ang pananalig at ang pagkatao;
O-o, maging buong buhay mo ay isinakripisyo.
T-alagang sa umit na akbay may panalo at talo.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: