Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 5, 2009

Laging May Awit Ang Aking Kundiman

Aawit at aawit ako,

Uutusan ko ang bahagharing

Pabawigin ang sari-saring kulay

Upang ang aking awiti’y laging maindayog

Na maglakbay patungo sa iyong puso.

Aawit at aawit ako,

Uutusan ko ang alon na pupugin ang pasigan

Upang maulinig ang timyas ng aking boses

At ikaw’y suyuing hindi magmamaliw

Kahit ang tinig ko’y wala ng taginting.

Aawit at aawit ako

Saan ka man maglakbay,

Lagi akong mag-uutos kahit kanino man

Upang iparinig ang aking kundiman;

Titigil lamang ako pag-awit

Kung nahihimbing na ang aking pag-ibig.

Palmera Homes

Phase V


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: