Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 1, 2009

Lagi Ka Sa Liling Ng Aking Gunita

Hapay ang araw sa gawing Parola

Nang palimpingin ko ang kalsadang

Patugpa sa may daungang aplaya.

Dito kami dating nagkikita ni Sinta—

Kapag pinapandaw namin ang pag-asa.

Umupo ako sa kayangan ng bangka

At nilaro-laro ng aking paa ang lawa,

Isang magandang limbo ang nalikha

At naglakbay sa laot na mapayapa;

Hanggang ito’y unti-unting mawala.

Ganyan ka aking Sinta, kisap-biglang

Sa liling ng aking dukhang gunita’y

Lumisang ni isang hulilip na salita’y

Walang narinig. Naiwan akong kawawa.

Pebrero 1, 2009

Bgy. Malakaban, Pulo ng Talim, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: