Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 27, 2009

Kumplianyo ng Kamatayan ni Ama

Isang ganap na lalake ang araw ng iyong kamatayan

Aking ama. Bukas ang ika-dalawampu’t isang taon

Ng iyong pagpanaw sa mundo at hindi ko nalilimutan

Ang mahahalaga mong habilin bago magdapithapon—

Ikaw ama ang naghayuma’t humulma ng angking kaisipan.

“Huwag kang mang-uumit o kukuha ng pag-aari ng kapuwa,

Sikaping ang biyaya mo’y nanggaling sa iyong paghihirap,

Igalang mo ang prinsipyo ng kapuwa; higit ang paniniwala

At huwag kang uuwi galing sa pakikipagbabag nang umiiyak.

Hayaan mong ang gulong ng alon na lamang ang lumuluha.”

Hindi ko malilimutan ang mga habilin mo ama’t ipinamana

Ko ito sa aking mga anak. Bukas ipagdarasal kita’t ipagtutundos

Ng kandila sa altar ng aking paniniwala, hayaan mong pagbuka

Ng liwayway ay mabanaag mo ang taos sa puso kong mga handog.

Bukang liwayway ng Enero 29, 1998 sa pinakanunal sa pusod ng lawa ng Laguna, ang pulo ng Talim nang pumanaw ang aking pinakamamahal na amang Tonieng Tiburcio Funilas.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: