Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 22, 2009

Sagwan

Ang yakal kong sagwa’y nabali kahapon,
kaya ang lunday ko’y hindi makasulong;
sinikap kong ito’y aking maidugtong
ngunit malabo na itong dapithapon.
Sinubok kong palad ang aking isagwan,
at ang Kalunsura’y aking mapasyalan;
subalit palad ko’y muntik-muntikanang
maagnas sa lamig nitong karagatan.
At sinubok ko ring tumalon sa tubig,
upang ang paa ko ang aking magamit;
itimbol sa agos at along mabagsik
ngunit bigong muling ako’y makasapit.
Mararating ko lang ang nais puntahan,
Kung mahihingi ko ang bago mong sagwan.
Malahi Island
Pulo ng Talim
Lawa ng Laguna

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: