Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 22, 2009

Hibik At Hikbi Ng Pulo Ng Talim

Dapat ay namamahinga na ako

Sa mahimbing na pagkatulog,

Subalit lagi kayong kumakatok

Sa aking hinimlayang paraiso.

Hindi ko na mabilang sa daliri

Ang mga nanghimasok sa akin,

Ako daw ay kanilang pagagandahin

May mga dalang pangakong lagi

At laging napapako sa buntot ng limot.

Subalit bakit di ko kayo matanggihan?

Kayong nagpapantas sa mga paaralan—

Na palaging may pakunwaring handog.

A, sige, puntahan ninyo ang aking paraiso;

Kunin ninyo ang tulyapis ng aking bibinga

Sa dalampasigan at inyong ipagparangya

Sa paaralang pinagtatapusan ng inyong kurso.

Alam ko, tulad din kayo ng isanlaksang

Pulutong na lumusong sa aking paraiso,

Matapos na makuha ang inyong gusto’y

Naiwan na lamang akong nakatunganga.

Parunggit sa mga nagpakadalubhasang estudyanteng nikipanirahan sa pulo ng Talim sa animo’y nunal sa pusod ng lawa ng Laguna.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: