Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 18, 2009

Tampisaw Sa Ulan (Pasintabi kay Gob.)

Ulan akong luhang tanda ng sa langit na pag-ibig
At rehas na nagtikatik sa ulap at himpapawid,
Balantukang bahaghari sa lawak ay sinisilip;
Ako’y isang paralumeng alimbukad nitong langit
Na sa mata’y humahagdan na bubog ng sandaigdig
Sa dibdib ng amang lupa gatas akong bumabatis
Na ang gutom at ang uhaw ng balana’y pinapatid.
Ang pugad ko’y kabundukan himlayan ay mga batis,
Lansangan ay mga ilog at sa dagat umiidlip;
Kaya lamang babalikwas at sa higa’y maligalig—
Kung ang hangi’y mambulahaw o ang bulkan ay magngalit
Kapag ako’y napopoot walang hindi napapalis.
Akong ulan marunong mang magmatapang at bumangis,
Pagkaraan naman nito ay wala nang kasimbait.
Ang amp’yas ko’y kayamanang maibig na nagagamit,
Na-aaring maging bangkang lululanan nitong init;
Maging bato at salamin kung tumigas man sa lamig,
Pupugin man ng habagat at sa ulap ay ipanhik
Sa tubigang pinagmulan, pagka ligtas, nagbabalik.
Kaya ako, itong buhay kasinlabo man ng putik
Pag nasala at tumining may linaw ding nakakamit.
Totoo man palibhasa walang tubig na malinis,
Wala namang duming hindi nalilinis nitong tubig
Kaya kayo ay halina sa patak ko ay humalik;
Maligo at magtampisaw sa yakap kong nananabik
Sabay tayong maglalangoy sa kristal ng sandaigdig.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: