Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 13, 2009

Bahaw Na Alingangaw

Kumakaway ang takipsilim.

Antigong tanso’y pina-igting—

Mabalahibong lubid, bitin

Palagi’ng tunog. Nakatingin

Ang libong alaalang bimbing

Nagtago sa isang madilim

Ang tahimik na salamisim.

Simpaos ng tinig na bahaw,

Alimaymay ng alingawngaw.

Lipos mong ipinagluluksa’t

Ipinagkit sa iyong diwa;

Bawat tunog—laksang katagang

Inimpok at ginawang tula

Sa di malimot na gunita.

Puweblo Diyablo

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: