Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 9, 2009

Pagpupugay kay Boss Victor R. “Ekvi” Sumulong

Pagpupugay kay Boss Victor R. “ Ekvi” Sumulong

Isang suntok lamang ang ikinagulat kay Juan ni Atty. Sarsi upang mapaniwala siyang matapang talaga si Juan dahil nang suntukin ni Juan ang isang trespasser sa bakuran ni Atty. Sarsi at natimbuwang ay may nahulog na lanseta sa sinuntok ni Juan. Kinuha ni Juan ang balisong at ito’y binuksan hindi upang isaksak sa kaniyang sinuntok bagkus ay ibinigay ni Juan sa kaniyang sinuntok at pilit niyang pinalalaban.

Eleksiyon noon ng Kapitan sa Bgy. UP Campus sa Diliman. Kalabang partido ang sinuntok ni Juan at kaya pala sinuntok ni Juan ang trespasser ay kumukuha lamang ito ng impormasyon at itinutuga sa kalaban ni Atty. Sarsi ang mga estratihiyang ginagawa nila sa kampanya. Bagaman hindi nagtagumpay noon si Atty. Sarsi sa eleksiyon ay nakakilatis na siya ng mga babatain sa UP Campus at isa na si Juan.

Panahon ng “Labang Dilaw” ng unang babaeng nagging pangulo ng bansa noon, isang Usec ng Local Government na pinsang buo ng babaeng naging pangulo ang nagpakuha kay Atty. Sarsi kung sinong isasama sa isang operasyon sa gawing Manila East upang lumaban sa naghaharing uring politika. Isa sa inirekomenda si Juan ni Atty. Sarsi kay Ekvi para sumama sa operasyon “Sumulong Tanjuatco, Assemblyman of Rizal o “STAR.”

Ginawang head ng motorcycle unit si Juan na may code name na “Rubi”kung saan siya ang nagsusurvielance sa mga lugar na maraming flying voters labit sa kaniyang holster sa binti ang kalibre 32 na rebolber. Sa bayan ng Cainta pinakamaraming natuntong mga flying voters kung saan natuklasan ni Juan na ang isang bahay sa isang magarang subdivision ay halos tigpipitumpung tao ang nakarehistro sa isang bahay lamang.

Magagaling ang nakuhang tauhan ni Usec Ekvi at Atty. Sarsi. Araw ng eleksiyon, pinababa ng motorsiklo si Juan upang isama sa isang grupo na huhuli sa mga flying voters. Isang kapitan ng barangay ang siyang nangangasiwa sa pagkuha ng flying voters kaya ang ginawa ng tropa ay inabangan nang madaling araw ang namamahalang kapitan ng barangay sa Bgy. Balanti na halos sakop na ng Marikina upang ilatag ang isang “ambus” kung kinakailangan. Suwerte ng kapitan at hindi lumabas ng bahay kaya nag-plan B ang grupo at inabangan ang mga jeep na maghahakot ng flying voters. Alas deis ng umaga nang parahin ni Juan ang isang jeep na puno ng flying voters at pinalipat sa isang van, dinala nila ito sa isang safe house sa Timog Ave kung saan iginarahe at pinangaralan.

Nagkakagulo nang malaman sa bayang Cainta na may “kinidnap” na mga botante, pati na sa headquarters ng “Star” na pinamamahalaan ni King Sumulong ay pinupuntahan na ng mga Metrocom upang ipalabas ang mga kinidnap na botante. Muli, si Juan ang naatasan sa namamahala sa headquarters upang ipabatid na huwag mag-alaala at nasa tropang “Star” ang mga botante. Hanggang sa matapos ang bilangan at umuwi ang tropang “Star’ na labit ang tagumpay.

Nang sumunod na eleksiyon ay tumakbong gobernador si Usec Ekvi at laking gulat ni Juan nang siya ay isa sa napiling maging bodyguard ni Usec Ekvi. Dinala si Juan sa bahay ng mga Sumulong at ipinakilala kina dating Senador Lorenzo Sumulong at Kinatawan Francisco “Komong’ Sumulong. Tuwang tuwa si Juan nang ibigay sa kaniya ang gagamitin niyang service firearms na isang brand new na Magnum 357.Natalo noon si Usec Ekvi kung saan ang tumalo sa kaniya ay isang dating konsehal ng bayang Taytay.

Mula noon ay wala ng nagging komyunikasyon si Juan kay Usec Ekvi. Kamakalawa, isang text ang tinanggap niya sa kaniyang anak na panganay na head ng operation ng dating bise gobernador ng Rizal na si Jestoni Alarcon. “Pa, patay na si mayor Vic Sumulong!” Nagulat si Juan dahil kahit na nagging diputado at mayor si Usec Ekvi ay hindi siya lumapit ditto upang humingi ng tulong bagkus ay nagsumikap siyang itaguyod mag-isa ang anim na mga anak. Kahapon, ika 8 ng Enero 2009, dinala ang labi ni Mayor Vic Sumulong sa bulwagan ng Kongreso, sakay ng isang kulay asul na motorsiklo, nagbigay pugay si Juan Salcedo sa dati niyang pinaglingkurang si dating Usec, Congressman at Mayor Vic Sumulong. Tata Raul Funilas Batasang Pambansa, Diliman, Quezon City 1-9-09


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: