Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 3, 2009

Kuta Ni Tata Art Center

Sampung taon ang lumipas matapos kong bumili ng isang solar sa isla ng Talim ay nagpapulak ako ng labintatlong malalabay na kawayan sa dalisdis at parangan ng bundok Mabilog sa sityo Tabon Mainit sa isla ng Talim upang ituray ang isang malaong pangarap, ang makapagtayo ng isang art center sa isla ng Talim kung saan ako isinilang.

Sa pagpapakis-pakis ng pangarap at pagtutulong-tulong ay napasimulan ang isang Kuta noong Oktubre 2, 2008. Malaking kantidad nang ginasta rito ay ang palipad-pera ng aking Dayunyor na nasa Australia. Saktong isang buwan natapos ang kabahayan ng Kuta at sa painut-inot na pag-uuwi ng mga nililok kong eskultura ay nagkahugis ang aking itinayong Kuta. At kalililok ko lamang ng aking sariling busto na ipalalagay ko sakaling totoo na akong pumanaw.

Una kong ginawa ang isang live mask na semento at itinuray ang isang iisandaaning taong gulang na mulawing nahingi ko sa isang pamangking nagmana nang ginibang matandang bahay at ang pinakapahalang para maging Kurus ay isang metrong yakal humigit kumulang na galing naman sa mga labing tatal ni Napoleon V. Abueva noong ako\’y gumagawa pa sa kaniya mga taong 1970\’s.Isinunod ko ang paggawa ng isang nitso at inilagay ko sa loob nito ang aking bangkay na semento.

Ginawa kong art ang hinukay na tuod ng kawayan, pinagpatong-patong ko ito upang maging isang drift-grass upang mataniman ng halamang bromeliad at mga ligaw na halamang namumulaklak tulad ng buntot-kalabaw o tikiw at ulikbangon.

Saktong tatlong buwan nang pasinayaan at gawaran ng bendisyon ng Kura-Paroko ng San Francisco de Assisi at Santo Domingo Quasi sa sentrong Janosa ang itinayo kong Kuta kung saan ay nagpadugo ng isang kambing at isang baboy. Ipinabatid ko sa Paring nagmisa ang aking layunin sa aking Kuta kung saan buong giting niyang pinuri ang aking itinatag na Kuta, higit ang nitso na siyang pinakasilbing entablado.

Dito nalantad sa mga taga nayon at kadatig pook ang aking ginawang nitso na may sarili kong bangkay. Dinadayo nila ang nasabing nitso upang tingnan ang isang kakaibang arte.

Kaya mga kamakata, ka-eskultor, halina kayo\’t buhayin natin ang sining at arte sa pamamagitan ng isang malikhaing pagpapakita sa ating mga nakatagong wido upang sumigabong higit ang mundo nating ginagalawan.

Tula nang tula!
Lilok nang lilok!

Mula sa Kuta ni Tata Art Center sa isla ng Talim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: