Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 3, 2009

Busto ng Peregrino

Tanaw ay malayo sa dakong maalon,

Ang ngiti ay umid parang lumalambong

Taghoy ng bagabag ng sidhing linggatong—

Aninaw na walang isang dapithapon

Mabulas, matikas, mabikas ang takad

Nitong isang bustong dating manlalayag

Sa pulo ng Talim at lawang malawak;

Siya’y peregrinong lumaking lagalag.

Sa gabing madilim merong panaginip,

Sakaling makita ang kanyang pag-ibig;

Siya ay kakatha ng magandang himig

Upang iharana at maipang-akit.

Ngunit pakiling na ang huklubang araw

Di pa dumarating yaong hahandugan

Nitong likhang titik upang umilanlang

Ang paos na tinig ng pananambitan.

Ragasa ng alon laging nababasag,

Ang batong hantunga’y waring may halakhak;

Ulilang gunitang gustong makapalad

Lipos na sumanib sa tabsing ng dagat

Sa Dampa ng Rosas


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: