Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 2, 2009

Sakaling Ako Ay Pumanaw

Saka-sakaling ikaw ay magising sa isang umaga’t

Mabatid mong ako’y malamig nang bangkay,

Sakyan mo ang bangkang aking ikinayang

Sa isang puso-puso at ito’y ibunsod karaka.

Gumaod ka sa pusod, hanapin ang hanging

May dalang sigwadang kabuntot ang ulang

Iniluha ng busilak na alapaap sa may kalawakan—

Subuking tumalon at ang buhay ko ay iyong sisirin.

Yakapin mo ako’t dalahin sa agos ng pangungulila,

Ang labi ko ay hagkan upang madugtungang buhay

Ang aking pag-ibig na dagling nalagtas mulang malaman

Kong ikaw ay inangkin sa nagmahal at dating nagpita.

Saka-sakaling wala nang pumintig sa aking hininga’y

Baunin na lamang ang aking pag-ibig at huling pag-asa.

Sa Kuta ni Tata Art Center

Sa dalisdis at parang ng bundok Mabilog

Sa Tabon Mainit, Isla ng Talim, Lawa ng Laguna,

Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: