Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 10, 2008

Sa Pagpitas Ng Salita

Hinog na bungang kahoy ang salita

Ng makatang nanganganak ng tula.

Susungkitin ng matabil na dila—

Babalatan at isusubong bigla.

O kaya’y ilalagay sa batiya

At huhugasan sa patak ng luha.

Malalanghap ng nakatagong diwatang

Nahahaling sa binatang makata.

Ganyan ang manibalang na salita,

Parang walang kasingtamis na tula;

Ninanamnam nitong makating dila—

Upang lasapi’t tuluyang mabigla.

Ilalagay ang balat sa batiya

Hanggang sa tuluyan kang mapaluha.

Dito lilipad ang nimpa’t diwata

Upang sumanib sa isang makata.

Disyembre 11, 2008

Bgy. Banilan, Pakil, Laguna

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: