Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 10, 2008

Mundong Kuwadrado

Sa tinalon-talon nipising segundo,

At inikot-ikot nitong minutero,

Hindi maramdamang mundo’y kuwadrado

Sa apat na sulok daigdig ng tao.

Sa pinungas-pungas nitong hilong oras,

Sa inirap-irap magdamag na puyat;

Lumakdang ang araw taon ay lumipas

Na ang tumatanglaw ay buwang liwanag.

Nang tao’y magising sa katotohanang

Sila’y binhing tanim ang makikinabang

Ay yugto ng buhay at ang kasaysayang

Sadya s’yang alabok ng sangkatauhan.

Habang may oras pa ngayong kapaskuhan,

Ibigay ang buhay ng Banal na Aral.

Bgy. Matala-tala, Mabitac, Laguna

Disyembre 11, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: