Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 8, 2008

Bubot na Alaala

“Giling, giling, estat’wa,

Labas ipin taya na!”

Bubot nating mga labi’y matagal na ititikom,

Dahil tayo’y matataya sa nilaro ng kahapon;

Walang kilos ang katawan dahil sa ‘tin itatabon

Ang parusang nararapat ang kuhitin itong tumbong—

Kung makita nitong tayang may umid kang ibinulong.

“Pagbilang ng sampu nakatago na kayo.

Isa, dalawa tatlo,

apat, lima, anim, pito,

walo…”

Bubot nating mga sakong niyayasa’y lupang tigang,

Unahan sa pagtatago kahit labas ang puwitan;

Tayo noo’y nagsusukob sa ugoy ng lumang duyan

Nabubongbong lamang tayo kapag bilog na ang buwan.

“Dyikinidyi

Mata’y usli,

Ang lumabi’y

Siyang gapi.”

Gunting, papel, bato,

Kung sino ang bobo’y

Siyang matatalo.

Lagi tayong talo kapag magkakampi,

Kaya naman tayo’y uupo sa tabi

O kaya’y akyatin punong kakawate

Habang naiinggit batang saragate.

“Ibon mang lumayo sa buong maghapon

Asahang babalik pagdarapithapon.”

Ngayong tayo’y malaki na’t

Pamuli kitang nakita,

Balikan ang alaala—

Mamahalin mo ba Sinta?

Disyembre 9, 2008

Arboretum

UP-Diliman

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: