Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 26, 2008

Hiwa Sa Lawa

Mayroong mag-amang nagpunta

Sa laot upang makakuha

Ng mga biyayang lipana,

Ngunit ang lili’y sangkaterba;

Pum’westo ang anak at ama

Upang isudlong bangkang dala

Nila, abutin ma’ng umaga.

Ektaryang lawak,

Ang liling layas

Sa Lumbang lambak;

Isinagadsad

Nitong habagat

Sa lawang liyag.

Mag-ama’y hawak,

Sagwang napilas

Na humalikwat

Sa liling layas

Upang umusad

At makalayag

Sa gitnang dagat

Nang maikalat—

Kariteng lambat.

Walang pumusag

Kundi ang pantat

At kalabukab

Ng duhol, igat

Na sobrang payat.

Walang mapapak

Na laman-dagat,

Dahil may linab;

Along patiyad-

Tiyad. “Ay, anak

Hali-halikwat,

At iyang hirap:

Di nagsusugat.”

Nang makadaong

Na’y dapithapon,

Mayroong gatong

Dapugang apoy

Ngunit ang dupong

Ng asaw-kahoy

Ay nananaghoy

At bumubulong:

“May magugutom.”

Tinabtab ng anak ang lambat

Na diamanteng mata’y may gawak

At butas. Ito’y iniladlad

Sa apoy na naglalagablab

At ang dagta nito’y kinatas,

Nilagok! Kumot ay hinatak;

Natulog-mahimbing…Nangarap.

Sa Palanas, Pulo ng Talim

Laa ng Laguna, Tabon Malamig,

Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: