Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 20, 2008

Pugay (Kina Botong at Maestro Lucio)

Limang taong nagpupugay ang Angonong kabataan,

Sa binhi n’yong inihasik sa sining, arteng larangan;

Upang aming malapalawak pamana n’yong iniwanan

Maestro Botong at Lucio kami’y inyong bendisyunan.

Aawiti’t iguguhit ang imaheng magaganda,

Batis, lawa’t mga bundok, mga diwata at musa;

Mga batang naglalarong lumililok ng pag-asa

Sa duyan ng mga alon sa bayan ‘tang sinisinta.

Tanggapin ang pagpupugay upang kami’y bumalikwas,

Sa paghubog nitong layong matagal pa’t walang wakas;

Gabayan ninyong magaling ang gagawing paghahayag

Idantay ang kaluluwa’t higpitan n’yo ang paghawak.

Kayong dalawang Maestro’y hinding hindi mabibigo,

Dahil likha naming sining ay nagbuhat sa ‘ming puso.

Nobyembre 20, 2008

Binigkas sa pagitan ng dalawang puntod

ng dalawang Pambansang Alagad ng Sining

ng bayang Angono na sina Carlos V. “Botong” Francisco

at Lucio D. San Pedro sa paglulunsad ng 5th Public Art Festival

ng Neo-Angono Artists Collective, Inc.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: