Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 19, 2008

Dalit Sa Pagitan Ng Kalungkutan

Dalit Sa Pagitan Ng Kalungkutan

Kapag ang langaylangayan

Ay nagkumpol sa hulihan

Ng ‘yong bangkang sinasakya’y

May isdang kumikilapsaw.

Pag ang gubat ay tahimik,

Ni walang huning kuliglig;

Asahan mong nagtatalik

Ang lupa’t ulang tikatik.

Kapag wala nang makayod

Sa kaldera ang ‘yong sandok,

Humila ka nitong kumot

At sabayan mo ng tulog.

Kapag yumungyong ang dahon

Pagsapit ng dapithapo’y

Asahang nangag-iipon—

Ang malungkot na kahapon.

Nob. 19, 2008

Bgy. Bombongan, Morong, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: