Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 17, 2008

Bula Sa Mata Ng Tubig

Sa aki’y naghunta ang mahal kong lolo

Nang kanyang makuha ang Bula ni Kristo.

“Minsang pumalaot sa pusod ng lawa,

Pusikit ang gabi at walang buntala;

May hagok ang gaod dahil may sigwada

Nang ako’y magitla sa aking nakita.

May Bulang lumitaw sa tabi ng lunday

Kapag inaangat ang pilas kong sagwan,

Aking natatanaw sa loob ng Bula

Ang pakong may dugo’t gadangkal ang haba;

Nang may nagsalitang ang pako’y kay Kristo

Na ibinayubay ng galit na Hudyo.

Kung mapasapalad ay dagling isubo

Dahil sa sagrado ang pakong may dugo.

May tapang ang loob na aking hinakat

Ang Bulang singkislap ng lantay na pilak,

Nang biglang umalon…singtaas ng bahay!

Kasabay ang litaw ng ngumiting buwan ,

Ako’y nanalangin taimtim sa dibdib;

At saka lumakad sa kalmanteng tubig.”

Sa Palipuran ng Pulo ng Talim

Lawa ng Laguna, Tabon, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: