Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 10, 2008

Tuyo Na Ang Laway Ng Ating Pag-ibig

Binasa ko ng laway ang aking hintuturo

At pinalayaw sa batong kinauupuan natin

Nang usalin ko ang katagang: Ang puso

Mo ba ay laging sa akin titibok abutin

Man ng takipsilim ang ating pag-ibig?

Pinahid mo ang laway at pinalayaw

Sa iyong labi at ikaw ay bumigkas:

“Hindi matutuyo ang walang uhaw

Na hamog sa aking pag-ibig na wagas.”

Nang biglang nagrilim ang paligid.

Nang sumilay ang liwanag ay bagot

Kong hinahanap ang batong may laway,

Sinaklaw ng sigay nang nililok na puntod

Ang lunot na lumot ng ating pagmamahal.

Nobyembre 10, 2008

Sa Punturan

Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: