Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 6, 2008

Yo Te Quiero Lagon at Walang Tunog Ang Aking Gitara

Walang Tunog Ang Aking Gitara

Wala nang aging-ing ang aking gitara,

Mulang nilimot mo ang dating lirikang

Isinulat natin sa tabing aplaya.

(Paano aawit ang aking sonata?)

Saan na humantong ang iyong pag-ibig

Na batbat ng ligaw at laksang ligalig

Nang alimaymayan sa gabing tahimik

Ang ibang haranang may tukso’t pang-akit?

Di ba’t nakatitik sa ‘ting isinulat—

Na: “Sumpa’t pangako’y tayo hanggang wakas?”

May labyaw pang lambing: “Pag-ibig na wagas

Ay di maaanod sa tabsing ng dagat.”

Saan man naroon ang iyong musika’y

May tumitipa na sa aking gitara.

Yo Te Quiero Lagoon

Tapis mo ay dinampol,

Sinasalpok ng along

Tumiyad at gumulong;

Umaga hanggang hapon.

Di mapasok ng hanging

Tubig sa Iningining,

Ano at nang aruki’y

May tamis palang angkin.

Iyan ang ‘yong katulad,

Dalagang may pulseras

Nitong kabibeng perlas

Sa may aplayang dagat.

Sinlamig ng amihan,

Tubig mong kaylinamnam.

Nobyembre 6, 2008

Bulaburan sa Matalinting

Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: