Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 14, 2008

Luksong Pusa (Siyam na Buhay)

Noong ako’y munting musmos at bago lang naglalakad,

Matatandang tiyahin ko’y palagi nang nagugulat;

Dahil itong aking ambang nag-iingat ng agimat

Ako ay laging laruang tadtad ng halik at yakap.

Sa tuwinang dapithapo’y kinakalong, bubulungan:

*”JENUT

JENUNIT

JETUTITU

JENUTIS

JURIM

JURUM

JACUM

JULUM

JOLAM

JACMAN

JAUC

JACNUNIXITRIN.”

At ako ay ihahagis sa bintana o hagdanan;

Itong mga nakasaksi’y mulagat at humihiyaw:

“Ama ko po! Maawa ka’t ang bata ay mamamatay!”

Ngunit kay-laking himala pagbagsak ko’y nakatayo,

Walang galos ni katiting sa katawa’t ulong bungo;

Ako raw ay tuwang tuwa at tatakbong papalayo

Kay-lulutong na halakhak ang sukli ni ambang Indo.

Nang ako’y magbagong tao’y isinalin ang agimat

Ng sa pusang ihagis mo’t nakatayo kung bumagsak.

*Ang labindalawang salitang galing sa langit na nagsisimula sa tiktik J na ipinipresenta ang kapangyarihan at gloriya ng Diyos.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: