Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 12, 2008

Korona Ng Wika

Ang ating kaisipan ang mahiwagang nagpapatahimik

Kapag hindi na tayo nakapagwika ng anumang bagay.

Kung ang puso ng diwa’y matagal nang hindi pumipintig

Sa mga anasa’t bulong na lamang nananahan ang ingay

At ang tunog nito ay nagsisilbing liwasa’t aliwang

Unti-unting inuutas ang nanlulumong pag-iisip–

Sa hindi matingkalang salit-salitang pagsasalita.

Dahil isang pakpak na umiimbulog sa himpapawid

Ang kaisipan na bilangguan o bartolina ng salita.

Ito ay marangyang makapagkakampay ng pakpak

Ngunit palagi na itong sa lupa ay piping bumabagsak.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: