Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 1, 2008

Magpakaylan Pa Man (Sumpaan nina Kutkut at Kikay)

Magpakaylan Pa Man

(Sumpaan nina Kutkut at Kikay)

Matarik na bundok ang ating inakyat,

At di alintana landas na madawag;

Ginising ang pusong umibig nang tapat

Pinawi ang lumbay at laksang bagabag.

Ating pinag-isa ang kipkip-damdamin,

Katulad ng ulap sa may panginorin;

Ang libong pangarap ating tutunguhin

Yumakap ma’ng araw hanggang takipsilim.

Lalagi sa puso’t ikaw lang ang mahal,

Ang sumpa’t pangako ay ipipidestal-

Ningas ng kandila sa luhurang altar

May lagablab lagi magpakaylan pa man.

At ako’y gagawa munting paraiso,

Na ang maglalaro’y anak nati’t apo.

Awit at Soneto ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: