Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 25, 2008

Nang Maghubad Si Magdangal At Lumuha Ang Alon

Ang Babaing Lastag (Sa UP-Diliman)

“Magbangon ka aking Mutya,

Mula dagat ng dalita;

Pairalin mo sa lupa

Ang tarong, ragsak, at laya.”

Mula sa Magdangal ni Rio Alma

Iniwan mo

Ang lahat ng iyong saplot

Sa batis ng Alang-alang,

Upang ituray mo’t ibanyuhay

Ang sarili sa Dilimang paarala’t

Ipakitang kahit kailan

Ang dangal mong iningatan habang buhay;

Mula dagat ng dalita’y wala

Ni isa mang sa iyo ay nakagalaw—

Dahil iyong pinairal sa lupa

Ang tarong, ragsak

At layang puspos lantay.

Si Magdangal ang bagong rebultong nakaturay sa UP-Kolehiyo ng Arte at Literatura

Na gawa ni National Artist for Sculpture Napololeon V. Abueva at may tulang Dalit ni National Artist for Literature Virgilio S. Almario aka Rio Alma na may pamagat na Magdangal.

Dos

Hayaan Mong ang Alon na Lamang ang Lumuha

I-nusal mo aming ama araw-gabi at banayad,

K-ami ay dapat lumaking ang buto ay binabanat;

A-ng bawat kaning isubo’y nanggagaling sa ‘ming lakas

W-alang hindi uurungang laban gamit ay ang sipag.

N-aninisid sa umaga’t naghahalong tuwing hapon,

A-ng salap ay isusuro ang bangka ay isusudlong;

A-ng lambat ay iuumang sa tiyad ng mga alo’t

M-agtitiis sa panutsang tanging pagkaing binaon—

I-kaw ama ang nagturo upang kami’y makaahon

N-a ang labit naming huli’y pang-agdon sa aming gutom.

G-unita ko’t alaala noong ikaw’y papaalis,

A-ng luha ko ay bumukal at agaran mong pinahid;

M-ay tinig sa iyong labi at ang bulong kong narinig:

“A-nak, hayaang ang alon na lamang ang tumatangis.”

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: