Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 23, 2008

Kunuy (Kuryat Na Ulan ‘Yan)

Isang text message ang natanggap ko noong sabado ng umaga kay Pricillano Vicaldo Jr. “May kaunting salo-salo dito kay ate Eunice mamayang after 5pm, punta ka at narito ang tropa.”

Nanggaling pa akong isla ng Talim menus kinse para alas singko ng hapon ng sabado ay nagdaan ako sa lugar na sinabi ni Jun at tuloy nakilamas ako sa kaniyang ginagawang mga eskultura para di ako mainip. Saktong ikalima at kalahati ng hapon ay nagdatingan ang mga tropang galing pa sa studio ni Seb Chua at kasabay sa kanilang pagdating ang paghahain ng pansit, inihaw na bangus, puto, at kilawing isda para kami ay kumain. Dumating sina Rey Bareno, Tito Obor, Noy Gepte, Francis Apilis, Adel Bareno, Glen Pagaduan at Doming na kababayan ko sa Binangonan. Wala sa tropa si Miguel Haloc may sakit daw.

Nagkakasayahan ang tropa nang dumating si Ronnel Roces, ipinakilala ako at nalaman kong siya pala ngayon ang gumagawa ng malalaking project ni Ser Billy Abueva. Hanggabng sa humantong ang aming usapan sa mga karanasan naming natutuhan at mga karanasang nakapagmamaktol sa aming mga isipan lalo na at nakikita naming ang mga pinagagawaan naming mga sikat ang siyang kumakapal ang kuwarta sa pamamagitan ng aming mga talento bilang tagalikha ng kanilang ideya.

Masaya ang tropa at medyo nasa malagihay na katayuan ang iba naming katropa nang magsuhestiyon si Ronnel Roces na magbuo kami ng tropa,

Kaming mga “alilang kanin” o mga tagalilok ng mga sikat na eskultor na pinanigundahan naman ni Glen Pagaduan.

Nakasama ko si Jun Vicaldo kay Ser Napoleon Abueva noong gawin namin ang 6th Asean Square Sculpture Symposium noong 1989 kung saan ako ang napiling magturay ng walong metrong tanso at kongkretong eskultura ng bansang Brunei at si Jun Vicaldo ang gumawa ng modelo ng dambuhalang imaheng tanso ng Singapore. At siya din ang nagsama sa akin para makilala ko ang mga manggagawang eskultor na kasama niya ngayon kay Seb Chua na isang sikat at mayamang eskultor.

Nasa kasarapan ang kantahan at tagayan nang magmungkahi si Ronnel Roces na magbuo kami ng grupo na kinabibilangan naming mga nagging o sa ngayon ay gumagawa pa sa mga sikat na eskultor na sinang-ayunan naman ng nakararami naming kaharapan.

Kahapon, Setyembre 22, 2008 ay nagtext si Ronnel sa akin para magset ng isang pagpupulong ng tropa upang talakayin ang unang hakbang para maisakatuparan ang napag-usapan naming noong sabado ng gabi.

Naiset ang unang pulong sa amin sa Pook Amorsolo sa UP ng ika-lima ng hapon at kinontak naming ang lahat na katropa na sumang-ayong magsisipunta. Kahapon, panay ang text ng mga tropa na mga alas kuwatro ay pupunta na sila sa bahay kung saan umuwi ako nang maaga upang paghandaan ang nasabing unang pulong.

Ngunit, sapagkat, datapuwa at tinamaan ng pitumpu at pitong kuryat na panahon, biglang bumunghalit ang ulan at mabulusok na hangin. Kambiyo kaming lahat dahil malakas ang ulan at baha na sa may Katipunan. Panay ang text sa akin ng tropa na ireset na lamang ang pulong dahil masungit ang panahon.

Panay naman ang hingi ng paumanhin ni Ronnel Roces na ang sabi ko’y sige lang at may mga susunod pa namang mga araw. Kinagabihan ay gumawa na lamang ako ng isang eskultura para madagdagan ang koleksiyon ko sa aking munting galeriya.

Sina Doming, Tito Obor, Francis Apilis, Noy Gepte, Rey Bareno, Adel Bareno at Jun Vicaldo ay mga eskultor sa studio ni Seb Chua.

Gumagawa rin sina Tito Obor, Francis Apilis, Miguel Haloc kay Jose Mendoza.

Natatawag din ni Ramon Orlina si Francis Apilis para maglilok ng busto.

Si Glen Pagaduan ang lumililok kay Jojo Velasco at sa mga project ng MMDA

Si Ronnel Roces ang tagalilok ni Napoleon Abueva.

Galing din sina Tito Obor, Francis Apilis, Jun Vicaldo kay Napoleon Abueva.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: