Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 22, 2008

B ANAYAR (Pook Paaralan)

Hindi gaanong kalayuan ang bayang Morong sa lalawigang Rizal kung saan ang letrang D ay ginagawang R. Parang sa mga bayan din ng Cardona at Teresa. Dito sa bayang ito nagsimula ang mga nakatatawang katagang: Sarsar na ang bangka e, gaor pa nang gaor na ang pakahulugan ay sadsad na ang bangka ay gaod pa nang gaod. Dito rin sa mga bayang ito nanggaling ang mga salitang: Kunin mo nga iyong sanrok sa ringring at maragukan ang ragang nangangain ng mumo sa rulang.(Kunin mo nga iyong sandok sa dingding at madagukan ang dagang nangangain ng mumo sa dulang.)

Noong mga taong 2003 ay may isang pasikong kalye sa gawing itaas ng bayang Cardona kung saan may makikitang karatulang nakabalandra sa kalsada at nakalimbag ang mga katagang: BANAYAR. Ibig sabihin sa mga motoristang nagdaraan ay BANAYAD.

Nagkaroon ng siste rito sa mga mahihilig magbiro. Sinasabing may isang konsehal ng bayan ng Cardona na nagbukas ng pananalita sa kanilang sesyon sa konseho na: “Napapanahon na nating palitan ang nakahihiyang karatulang BANAYAR sa pasikong kalye ng ating bayan kaya iminumungkahi ko po mahal na presiding officer na ito’y palitan.”

Nai-veto ng pangalawang punong bayan sa buong konseho ang panukala ng kanilang kasamang konsehal at malugod na sila’y nagtanong: \”E, ano naman ang ipapalit mo magiting na kasamang konsehal?\” tanong ng mga kasamang konsehal sa sesyon. Walang kagatol-gatol na sumagot ang magiting na konsehal ng bayan ng: “Yayaman pong ako’y inyong pinaunlakan sa aking mapalagatos na kahilingan, iminumungkahi ko pong ang salitang BANAYAR na nakapaskil sa isang karatula sa pasikong kalye ng ating bayan ay palitan ura-urada ng mabining katagang RAHAN-RAHAN.

Matagal nang wala ang karatulang BANAYAR sa pasikong kalsada ng Cardona sa Rizal subalit lubhang hindi na yata maalis ang nakapamihasnang salita kaya umusad ang nasabing karatula papuntang bayan ng Morong. Kaya huwag kayong magtataka kung sa inyong paglalakbay sa bulubunduking bahagi ng lalawigang Rizal ay makita at mabasa ninyo ang salitang nakapupukaw at nakapagpapagiyaot ng mga kiliti sa mga manlalakbay papunta sa aming lalawigang Rizal.

Noong nakaraang sabado ng tanghali ay nagpunta kaming dalawa ng utol kong si Veckers sa Barangay Bagumbong sa Jalajala upang magpatistis ng tabla at dito kami nabulaga ng karatula sa Morong.

Nasa larawan ang bagong karatulang nakabuyangyang sa magkabilang papasok at palabas ng hi-way sa Modong este Morong Rizal.

Set.22, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: