Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 21, 2008

Kalagapos

Limang pamangkin ko ang nagsama-sama,

O, anong bungisngis nang ako’y makita;

Kasi’y nasa laot pa sila ay nagpunta

(Ako’y nagtatanod ng baklad ni kuya.)

Layon ay testingin ang birtud kong karga.

Halakhakang lahat nang ako’y maghanap:

O, kayo ba ‘mangki’y may labit na alak?

Umpisahan nati’t matagal nang kupas

Dila kong panlasa ito’y hinahanap.

Ilang taas-baso at medyo tumalab.

“Nais lang po naming makita’ng agimat,

Inyo pong testingin nang kami’y kaharap.”

Ako’y igapos n’yo nang napakahigpit,

Kakalagin ito ng birtud kong gamit;

Ohales sa diwa’y huwag ipagkait.

Nang ako’y igapos nitong sampung kamay

Ginugunita ko’y sa tubig mamatay.

“Tinali ang paa at kamay sa likod,

Ako’y inihagis sa tubig ‘binuntog;

Lumitaw sa tubig na tanggal ang gapos–

Inilulutang ko’y ang yabang at hambog,

Masigabong sigaw ang kanilang handog.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: