Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 16, 2008

Tirembe (Huwego sa Pulo ng Talim)

Kaparis rin ng magdaragat,

Nag-uumang sa pusod ng nayong

Maraming nagbabakasakali.

Ikakadkad ang kuwadradong tapete

Apatnapu ang bilang ng sima

At makukulay.

Hinati sa apat ,

Linyang pilado,

Uno, dos at tres.

Nag-iisa ang linyang isahan,

Ang kuwarenta.

Gamit ang isang bangkang kahon,

Panibog na kakalugin;

Puno nang binalumbong pinirikot

Na apatnapung pamain.

Tahimik namang pipili

Ang kikibit na kawang

Taga nayong

Mag-aanunsiyo pa ng mga panagimpan.

Lalawitan ng bariya ang paborito,

Minsang manumbok;

Minsang magpasaklang,

Minsang magpasulot,

Minsang magkaliwaa’t baba,

Magpatakbo

O kaya’y mag-grupuhan.

Kalimitang bigo,

Tulad ng mga mangingisdang

Walang sariling palakaya.

Manigo namang humamig ang bangkero

Nasisimot ang kahuli-hulihang pera ng mga mananaya.

Alam umiwas sa salpok

Ng mahihinang mangarap.

Bukas, muling magbabakasakali ang mga taluhan.

Nobyembre 18, 2005


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: