Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 16, 2008

Rilim

Kung ikaw na nariyan sa dilim

Ay isang alagad ng sining,

Malasin ang anyo ko nang magaling;

Iguhit ang lastag kong katawan at tiyaking

Dadaigin ko ang pinakamatimtimang birhen.

At kung ikaw na nariyan sa dilim ay sumisilip

Para ako maibig, huwag asahang makakamit

Ang aking pag-ibig.

Dahil wala pa akong nadamang pahiwatig

Sa bawat pintig ng aking dibdib.

At kung ikaw na nariyan sa dilim ay si Kamatayang

May hawak na karit. Lumayo ka sa aking harapan,

Dahil hindi ko pa kilala ang aking pangalan;

Hindi pa ako handang mamatay.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: