Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 22, 2008

BulaY-BULAy

Sinantigwa ang diwang lasak
at ang pag-akda’y pinalas
dahil umapaw sa kanilang balikat
ang dag-ang ubod-bigat
kaya ang ningning sa pagbigkas
ay natakpan ng ulap ang alimbukad.

Ganiyan kayo makata.

Lipos mong liligtain
ang ganda ng papawirin,
labis mong lilimutin
ang mapulang takipsilim;
alam mo ba ang inyong dahil?

Bulayin ninyo ang nagdaan,
Buklatin ang pahinang nakahimlay.

Noon,
Matamis ang magmahal
at masarap ang may nagmamahal.
Halos lahat ng titik ay bumubukal
sa mga tulaing naliligo sa buwan
at sa balumbong ulap nagbabanlaw.

Ngayon,
Ni isang alibatang nahulog sa langit
ay hindi ninyo masambot at isatitik
ang pagkawala ng pintig ng dibdib
sa tulaing malaong humihibik.

Bukas,
Hahanapin kayo ng mga kapuwa makata.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: