Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 14, 2008

Tiyap

May ugnayan ang isipan at ang kamay,

Sumasalo’y mga matang nakadungaw;

Lalo na kung nakataya’y karangalan

Ito’y pawang sama-samang may sabwatan.

Ang isipan ang bukot ng alaala

Naghahatol ang lamlam ng mga mata;

At ang kamay ang may tangan ng parusa

Ganyan sila kung magyakap, sama-sama.

Ngunit kung ang nakataya’y ang pag-ibig,

Ang isipan ang may kalong ng hiwatig;

Mga mata’y suson-suson ang pagpikit

At ang kamay ang hihipo’t kikilatis.

Parang agos ng tubig sa kabundukan,

Nararating ang lawak ng karagatan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: