Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 13, 2008

Linaw Ng Tubig

Ang aking salita ay isang gulong
Ng along nakapinid na alaala
Na siyang nag-iingat sa dalampasigan
Ng ating mga nakalipas.
Ako ay lumapit sa iyo at ibinulong
Ang ginintuang pangako sa iyong pananalig,
Ikaw ay nagpaubaya ng kapangyarihan
At kaluwalhatian.
Kakapiraso pang pangako ang aking ginagap—
Subalit higit kang naging mapagbigay
Sa aking matinding pagkauhaw.
Tunay na walang hihigit pang alay
Sa tulad ng iyong hangaring:
Ginagawang labing nauuhaw ang aking buhay
At dinadalisay mong maging isang bukal.
Dito nakasalalay ang aking karangalan at ang gantimpala,
Na tuwinang paparoon ako sa bukal upang uminom;
Natatagpuan kong nauuhaw din ang malinaw na tubig—
Nilalagok niya ako at tinutungga ko naman siya.
14 Agosto
Sa tabi ng balon sa lagwerta ng rosas
Dalisdis ng Tabon Mainit sa pulo ng Talim

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: