Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 13, 2008

Hindi Ako Makita Ng Bituin

Naunang lumitaw ang maningning na bituin

Habang hindi pa bumabangon ang buwan

Nang ako’y magtago sa piling ng aking giliw,

Hinahanap ako ng bituing—nasa aking isipan.

Paralumeng alimbukad ang isinaboy ng gabi

Upang hindi magkamali ang bituin paghahanap

Sa akin. Kahit sa kumpulang ulap ay nagsabing:

“Hindi ba ninyo nakikita ang aking liwanag?”

Inisip kong hindi nito ako makikita kung nakapikit

Ang aking mahal kaya hinagkan ko ang dalawang mata,

Humigit ng hingang malalim at sabik na sinambit:

“Yakapin mo ako hanggang sa dulo ng aking hininga.”

Nawala ang kislap ng bituin nang lamatan ang langit

Ng mahinang alatiit na nanggagaling sa aming pag-ibig.

14 Agosto 2008

Sa laot ng Ginoong Sanay sa pulo ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: