Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 12, 2008

Oda kay Sarah G.

S-umisidhi ang damdamin kapag ikaw’y nakikita,
A-ng dibdib ko’y walang patlang parang tambol ang pagkaba;
R-umirindi ang pag-ibig kaya bigyan mong pag-asang
A-ko’t ikaw’y magtitigang nagpupungayan ang mata—
H-alina o paralumang idinambanang artista.

G-unita ko’y kabataang naglalaro sa may batis,
E-klipsing tila nagsilim at pumukaw sa pag-ibig;
R-agasa ng mga alon sinuong ko sa pagtawid
O,- ikaw lang ang diwatang pumasok sa aking dibdib.
N-awa’y iyong idampulay sa puso ko ang pag-irog,
I-kaw ay aking minahal hinangaan ang alindog;
M-ga matang kumikislap hatid mo ay pumarurok
O-libang iibigin ka’t igagawa ng bantayog.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: