Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 12, 2008

Mga Tabong Kandarapa (Paninilip sa Sahig)

Doon po sa aming nayon ng Buliglig,
Ang bawat tahanan kawayan ang sahig;
Kaming kabataan ugaling manilip
Sa kadalagahang aming tinatarget.

Kami ay nanilip sa hilis na siwang,
Habang walang kurap ang titig sa sal’wal;
Banaag na hiwa’y pinagpantasyaha’t
Ang impit na ungol kagat na marahan.

Subalit nang minsang kami ay mambosong
Ang kasa-kasama’y kumpareng Ambrosio,
Laging hinahaltak ang buhok ko’t braso
Kapag ang silip ko’y sa ateng pundilyo.

Bulunga’y halata’t agad nagpalingas
Ng papel at hagis sa lupa’y bumagsak
Sa aming puwesto’t siklab ang liwanag;
Karimot nang takbo’y titig ang humagad.

At kinabukasan kalat ang balitang
Kami’y mga ibong Tabong Kandarapa.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: