Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 7, 2008

Ka(g)yat na Hikayat ni C-an ng Kule

Isang kalatas na tinanggap ko sa isang batang progresibo ang kaisipan hinggil sa pangangalaga ng Inang Kalikasan.

Maraming salamat hija at nakita mo awa ng Poon ang aming nalulupog na hinga ng lawa doon po sa amin sa isla ng Talim.

Hi Tata Raul,

Si C-an po ito ng Kule. Pasensya na po ulit kung hindi ko pa rin nadaan yung
mga kopya.
Sabi ni Louise nabigyan na raw kayo niya kayo. Ano pong masasabi niyo dun sa
photo essay?

Nabitin po ako sa mga kuwento niyo tungkol sa Talim noong bakasyon, kung
magkakaron man
po ng pagkakataon, sana magkausap tayo ulit. Nakita ko kayo sa Ligalig
exhibit nung tumula kayo,
kasama po ako sa mga photographers na nag-exhibit dun. Sayang at di ko kayo
nalapitan, maaga
po yata kayo umalis.

Kung magkikita po tayo ulit, gusto ko rin po sana mapropose sa inyo yung
naisip kong konsepto
para sa isang poetry book na tungkol sa Talim. Marami-rami na rin kayong
nasulat tungkol
sa pinagmulan ninyo at kung malalathala ito, magsisilbing historical
reference na rin ng lawa at ng isla ang libro.
Naisip ko po na lagyan din ng mga kuhang litrato yung libro kasama ng mga
tula. Hindi mga travel shots,
kundi mas malalim na mga kuha na sasalamin sa pamumuhay doon. Syempre hindi
rin po magiging madali
para sa akin makapaglabas ng mga ganoong litrato kaya mukhang medyo mahabang
panahon pa ang kailangan
kong gugulin sa isla para makapaglabas ng maraming kalatha-lathalang litrato
na kasama ng mga tula ninyo.

Nais ko pa pong makabasa ng mga tula ninyo tungkol sa isla at lawa at siguro
sa darating na sembreak o
sa mga panahong walang pasok puwede na akong makadayo sa isla. 🙂 Kung
papalarin po na matapos ang proyektong ito
sa susunod na taon, tingin ko kayang-kaya natin ipalathala ito sa UP Press.
Ano pong tingin niyo?

‘yon muna po, salamat sa oras ninyo. 🙂

-C-an

P.S.
Andun pa rin ho ba yung gallery ninyo?
Hindi ko pa rin po nadayo. pero andun lang po yun diba?

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: