Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 4, 2008

Doon Po Sa Amin Sa Hugis Balaraw Na Pulo

Hindi mapigil ang huni ng ibon
Isinosones ang simoy ng habagat
Tanaw niya sa laot ang dumarating
Isang talibugsong bangkang papel
Idinaong sa dalampasigang wawa
Ng hugis balaraw na pulo.

Hindi rin mapigil ang lagaslas sa talon
At ang lawiswisan ng dahong kawayan
Napakalinaw ng bubog na kristal sa batis
At manilaw-nilaw na nagpupulatok ang kawayan
Dumadaloy ang tubig padausdos sa dawagang gubat
Tinutugpa ang dalampasigang wawa
Sa hugis balaraw na pulo.

Hindi rin mapigil ang tunog ng kalatong
Rumiripeke ang ingay at nagbabadya
Ng isang pahiwatig na dumating
Ang malaon na nilang hinihintay
Sa hugis balaraw na pulo.

Hindi rin mapigil ang indakang kalapak
Ng mga mananayaw sa pagoda sa lawa
Maharot ang saliw ng musikerong
Nakasakay sa talibugsong bangkang papel
Na idinaong sa dalampasigang wawa
Ng hugis balaraw na pulo.

Padating na ang haginit ng mga daluyong
Na nagiging uli-uli at ipuipo
Mga salinok na hanging nagiging bagyo
Mga sigwadang nakapanlulupaypay sa kabuhayan
Doon sa mga lungki at lambaking bahagi
Sa hugis balaraw na pulo.

Dadating ang hindi mapigilang unos
Na walang patumanggang maggugupo
Sa mga ipinundar ng mga naninigilan
Doon po sa amin sa hugis balaraw na pulo

Ilang saling lahi na ang nagdaan
Gay-ut gay-un pa din ang bulong
Anasang nagpasalin-salin sa nilulugang tenga
Upang maipari-asta ang mga lalabiting arganas.
Paghahandaan nila ang animo’y magnanakaw
Ni walang pasubaling kagutuman at tag-hirap
Na dala ng sinasabing kaunlarang sila’t sila
Ang iilang nakikinabang at nakapangyayari
Sa mga taga hugis balaraw na pulo
Doon po sa amin.
Sa isla ng Talim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: