Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 31, 2008

Sa Silangan ng Pag-ibig

P-araratangan kong sinungaling o bulaan

A-ng nagsabing: “Sa muling pagsikat ng araw.”

G-aano mang tanda ng aboabong panahon,

S-umisikat ang araw at lulubog sa dapithapon;

I-to’y mamamahinga sa malayo at malamig—

K-inabukasan ay pamuling maghahasik

A-ng liwanag na kinuha sa isang paraisong

T-initirahan ng mga diyosa at puting anito.

N-agdadala ng kapangyarihan ang liwanag,

G-umagapang sa kabuuan ng inaalimpungat

A-t lastag na katawan ng tao. Dating sumisilay—

R-urok na ang araw tulad ng isang pagmamahalan.

A-ng pusong dati nang umibig at nabibigo’y

W-alang sawang pumipintig kapag narahuyo.

01 Agosto 2008

Ortigas Center

Pasig City


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: